Si Amy at Ako

Download PDF

Pangatlong araw na ng duty ko sa surgical ward. Naiinis parin ako dahil hindi sa special area ako nadeploy. C’mon. Kelangan namin ng cases para makatake ng board. Ni wala pa ngang nakakakumpleto sa grupo namin eh tapos sa ward lang kami ilalagay? Nako.

Wala naman akong masyadong ginagawa ngayon. Nakabigay na ako ng pang-alas otso kong gamot. Ascorbic Acid at Cefoxitine. Next dose e alas dies na. Di naman masyadong toxic yung pasyente ko actually dahil puwede na siyang umuwi pero hindi parin nadidischarge. Wala pa yatang sapat na pera pambayad sa hospital bills. Dahil sa pagkabagot, umupo na lang ako kasama ng mga kaduty kong student nurses sa isang bakanteng kuwarto. Kundi kami nagtatanungan ng mga nursing facts e nagbabasa kami ng mga rebyuwer. Umupo ako sa pangatlong kama.

Dahil wala akong magawa,iginala ko na lamang ang aking paningin sa mga bagay bagay sa loob ng kuwarto. Wala lang. Wala ngang magawa e.

Bigla akong napatigin sa isa kong dutymate. Di ko sila kaklase kaya medyo hindi pa kami ganoong magkakalilala kahit nagkakausap kami minsan sa duty. Maganda si Amy, hindi maikakaila iyon. Maputi at medyo singkit. Madali sigurong mainlab ang isang lalaki sa kanya. Minsan tahimik siya, minsan bubbly. Pero napapansin ko na kung tumatawa siya, may parang lungkot na babalot sa mukha niya pagkatapos. Parang pinipilit lang niyang tumawa minsan. Ewan ko. Baka naman talaga ganoon ang usual reaction formation niya. Hindi ko nga siya masyadong kilala e. Pero dahil sa kaklase ko noong first year si Fe, yung isa sa mga kakilala niya na kaduty din namin, lumapit ako sa kanya.Talagang hindi ako papatahimikin ng imahinasyon ko kapag di ako nagtanong.  Curiosity nga eh.

“Fe, puwede magtanong?” salubong ko sabay tabi sa kaklase ko dati.

“O, anu yun?” tanong din niya.

“Close ba kayo ni Amy?”

“Oo. Barkada ko yan high school pa lang.”

“I see. Bakit parang puyat siya lagi? Singkit ba talaga?”

“Medyo pero ganun yung mata niya ngayon dahil siguro sa kaiiyak.”

” Ah. Malungkutin ba talaga siya?”

“Hindi naman. Ngayon ngayon nga lang.”

“Ow. Bakit naman daw?”

Natigilan si Fe. Parang hindi niya alam ang isasagot niya.

“Ah eh. Kasi kelan lang, namatay yung boyfriend niya.” marahan niyang sinabi.

Nagulat ako’t biglang napatingin kay Amy. Nakikipagkuwentuhan siya sa mga kaklase niya pero bakas pa rin ang sakit na nararamdaman niya. Kaya pala parang may pagkakapareho ang mukha niya tumatawa man o hindi. Maskara ng lungkot. Napailing ako.

Nagulat naman ang lahat ng may makapagsabing nagra-rounds daw ngayon sa hospital ang Chief Nurse. Siyempre magagalit yun kapag makikita niyang walang masyadong ginagawa ang mga student nurses dito. Yung iba, pumunta sa mga pasyente nila lalo na yung mga toxic at hagard. Pero kaming mga  May Go Home na ang mga pasyenteng hawak eh pumunta malapit sa nurses station para maghintay kung may ipapagawa ang mga staff on duty. Habang nag-aabang ng mga gagawin, nagkaroon ako ng pagkakataong makausap si Amy

“Amy, my condolences.” nabanggit ko.

“Ah. Thank you.” seryoso niyang sinabi.

Doon na niya naikwento ang lahat. Pauwi daw ang kanyang boyfriend noon isang gabi kasama ang mga kabarkada. Siya dapat yata yung magmamaneho ng XRM pero hindi nasunod. Siya yung nasa gitna. Nang tahakin nila ang isang pakurbang daan, hindi ito nailiko ng nagmamaneho at nagpatakbo ng dirediretso. Nasugatan lahat sila. Ang masama dito, siya ang napuruhan. Yung nasa likod galos lang. Yung nasa harap, bali lang. Pero siya, siya daw ang nadali. Sapagsasalita niya ay talagang miss na niya ito at mahal na mahal. Naiiyak siya habang nagkukuwento pero wala ni isang luhang lumalabas. Malamang baka nailabas na niya lahat ng luha niya. Naaawa ako sa kanya. Sobra. Kung may magagawa lang sana ako.

Pagkatapos nun, pinakita niya sa akin yung mga pictures ng kanyang boyfriend na lagi niyang dinadala. Matangkad naman yung lalake. Kayumanggi. Swerte siya kay Amy. Yun nga lang, napaaga ang departure.

Habang tinitingnan ko yung mga pictures, napakanta siya ng isang kanta.

“Kung tayo ay matanda na.. Sana’y di tayo magbago…”

Napatingin ako sa kanya at ang kaibigan niyang kumakanta din.

“Yun ba ang themesong niyo?” tanong ko.

“Oo., Lagi naming kinakanta yun. Nagpromise nga ako sa kanya noon na isang araw,  kakantahin ko nang buo yun sa kanya. Pero di ko pa nagagawa, namatay na siya. Hanggang ngayon nga e di ko pa alam yung lyrics niyang buo.” sagot ni Amy.

Nakaramdam ako ng konting kirot. Di ko maipaliwanag pero parang dama ko din kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon. Sobra naman akong naantig. Naisip ko, may Internet settings ako sa phone ko kaya ang ginawa ko, palihim akong nagbrowse at hinanap ang lyrics ng kantang iyon ng APO hiking society. Ayun nahanap ko.

“Eto Amy oh. Kopyahin mo na lang” inalok ko.

“Uy, thank you! Sobrang thank you” masaya niyang sinabi habang buong sabik niyang kinuha ang phone ko at kinopya ang lyrics. Kahit papaano’y napasaya ko siya kahit sandali.

Mahirap ang pinagdadaanan niya, sigurado yan. Ikaw ba naman ang iwanan ng isang importanteng tao sa iyong buhay na kahit anong gawin mo’y, may kasiguraduhan nang hinding hindi na babalik. Marami din akong natutunan kay Amy.  Marami akong narealize. Ipinagdasal ko nung gabi ding iyon bago ako matulog, na sana bigyan siya ni Jehovah ng sapat na lakas para makapag-move on.

God Bless you Amy.

 

Share on FacebookTweet about this on TwitterShare on Google+